gotta have faith!

Thursday, July 27, 2006

Kalikot-Bloggie

Ayus. Dahil sa kung anu-ano ang pinag-iiba kong settings and attributes nitong bloggie ko eh, eh ayun, I ended up picking a new template and editing this bloggie again. Kamusta naman diba? Grrr.

Tuesday, July 25, 2006

Mata

Kumusta na
Nandyan ka pa ba
Wala na yatang ibang magagawa
Kundi tumawa

Nandyan pa ba
Mga alaala
Ang tanging bagay na naiwan
Sa 'ting dalawa

Wag nang paikutin ang isa't isa
Lahat ng bagay ay malinaw na
Di na rin kailangan pagpilitan pa
Di mo na kinakailangan pang magsalita

Nakita ko ng lahat ito
Pinahihiwatig ng mata mo
Salamat na lamang sayo

Nakita ko ng lahat ito
Pinahihiwatig ng mata mo
Salamat na lamang sayo

Kumusta na
Nandyan ka pa ba
Wala na yatang ibang magagawa
Kundi tumawa

Nandyan pa ba
Mga alaala
Ang tanging bagay na naiwan
Sa 'ting dalawa

Wag nang paikutin ang isa't isa
Lahat ng bagay ay malinaw na
Di na rin kailangang pagpilitan pa
Di mo na kinakailangan pang magsalita

Nakita ko ng lahat ito
Pinahihiwatig ng mata mo
Salamat na lamang sayo

Nakita ko ng lahat ito
Pinahihiwatig ng mata mo
Salamat na lamang sa'yo

Mata mo, mata mo, mata mo, mata mo...
---------------------------------------------

Kung nakita ko lamang sana ang mga mata mo.
At kung nakita mo lang din ang mga mata ko.
Baka hindi nagkaganito.
Baka hindi nagkaganiyan.
Baka.
Pero sa ngayon, mahirap na ang magbaka-sakali.
Sabi ko nga, ang mga alaala ay mananatiling alaala na lamang.
Gayunpaman, kung isang araw ay magkatagpo tayo, at magkatingan kahit saglit,
Sana makita mo ang dating nasa likod ng mga matang ito.
Sana makita ko ang dating nasa likod ng mga mata mo.
At mapagsaluhan, sa mga segundong yaon,
Ang mundong minsan ay ating inangkin, inari.

Saturday, July 22, 2006

UPDATE for UPDATE's SAKE


Wala lang, nagpapalipas lang ng oras dito sa bahay, kadarating ko lang galing sa workie. Sinubukan kong magpraktis sa typingtest.com pero ayun, tinamad na ako. Ang labo kasi ng monitor ko eh. Pero nung nasa workie ako, natuklasan kong 37 WPM lang ang kaya kong i-type. Kamusta naman di ba? At kelangan pa namang above average typer ako sa workie para makuha ko lahat ang komento ng mga kupal na Kano kapag sila'y hindi kuntento sa serbisyong nakukuha nila sa aming mga kliyente. Hmmf.

Ano na bang mga kakaibang nangyari sa akin ng mga nakaraang araw? Hmmmz..

1. Kinagat ako ng daga sa daliri ko habang ako ay natutulog sa mataas na kama ng parents ko. Yez, I'm not kiddin. Napagkamalan yata akong keso at tinikman ako ng lintek. May 2 butas na marka ng ngipin ang naiwan sa daliri ko, at iniisip ko kung paano naging ganoon ang marka ng kagat niya samantalang 4 ang pangil niya. Apparently, yung kabilang side ng daliri ko ay kuko, at nakita ko ang galos ng 2 pangil ng gagong bubwit sa kuko ko. How interesting. Sabi nga ng tatay ko paduguin ko raw ng paduguin, kasi may rabies daw ang daga. Sa ngayon, pinagmumunihan ko kung paano ma-rabies ng daga...Katulad din ba nila ang asong may rabies na nakakagat, na nagiging asong ulol? Meron bang dagang ulol??? Please help me, hindi kaya ng level ng powers ko ang katanungang ito.

2. May nakausap akong skulmeyt at sinabi niyang maganda ang boses ko sa foney. Syemps, sabi ko, yan ang puhunan sa workie eh. Sinabi niya rin pala na karaniwan daw na ang mga magagandang boses ay kabaliktaran naman ang itsura sa personal. Wow, sabi ko, sana hindi na lang niya idinagdag ang komentong yun. Sinabi niya na sa boses ko, dapat magaling akong kumanta (Salamat sa paniniwala mo, pero mananatili lamang sa paniniwala yan). Ahehehe. Pero ginanahan akong kumanta kahit ayaw ng pagkanta sa akin. Hehehe. Miiiiiioooooooo~~~~~Lalalalalala~~~~~~

3. Hindi ko pa rin gamay ang assembly language ampotah. Hindi pala bago yun.

4. Namimiss ko na ang aso naming abnoy (tingnan niyo ang pix niya sa entry ko na MOOCH). Kahit na para siyang asong ulol sa pagsalubong niya sa akin sa sobrang excitement niya, na tipong puro galos ako pagkatapos, miss ko pa din siya. Nagtataka ka siguro kung nasaan na siya nagyon noh? Nasa malayong lugar na, sa may terrace namin sa 2nd floor. Nakikita ko na nga lamang siya tuwing umaalis ako na nakasilip sa may terrace. Naalala ko pa dati na nakakalusot pa siya dati dun at parang tambay na lalakad-lakad sa ibabaw ng bubong namin. Dahil macho na siya ngayon (at binata na), hindi na niya mapagkasya ang katawan niya sa siwang ng terrace. Tsk, you're growing Moochie, I'm proud of you.
T
here it goes up in the terrace, There it goes beyond the terrace, With no reason why, I barely see you Mooch, I barely see you Mooch, For you to see me down~~~

5. Inanay ang mga mahal kong libro sa Physics at Comp Eng'g. Taena talaga, ang mahal pa naman ng pagkabili ko run. Goodbye Tipler. Goodbye Circuits Chuvanez. Goodbye Turbo Pascal. At least nagamit kayong pagkain at bahay ng mga anay. Nagkaroon kayo ng silbi sa kahu-hulihan niyong pamamalagi dito sa mundo. Nawa'y maging mabuti kayong pataba sa mga halaman.

6. Napag-alaman ko na kapag tinanong ng lalaki sa kanyang asawang babae na parang kinukulam siya ng huli, siguradong mag-aalburuto ang babae at giyera ang magaganap. Hindi makakapasok ang mga anak sa pagpigil sa pagbabatuhan ng dalawa. Lalayas si babae. Bibigyan ng anak si babae ng perang pamasahe papunta sa isa pang anak ni babae. At kinabukasan, babalik si anak na nakasara ang pinto ng kwarto ng parentals, kakatok, at matutuklasang magkatabi ang parentals. Trust me, totoong nangyari 'to.


Wala na akong ibang maisip pa. Nanghahang na ang utak ko. Shetnez. Umiiral na naman ang katamaran ko. Hmmf. Bat-si muna ako. Bleh.

Wednesday, July 19, 2006

Ang Mahusay na Tagapagluto


Ang galing-galing talaga ng teknolohiya.
Pinabibilis ang mga dapat gawin.
Tulad na lamang ng microwave oven.
Biyaya talaga sa mga taong hindi marunong magluto, katulad ko.
Ilagay lamang ang iyong specialty(ulam na de-lata) sa microwavable plastic container,
Ipasok sa loob ng oven,
Pindutin ang timer, isa o dalawang minuto,
Maghintay...
At voila! instant-home-made-like-ulam.
Biyaya ngang talaga ang microwave.


Gusto kong matutong mag-cook~
(Kahit na wala kaming oven)
Gusto kong matutong mag-cook~
(Kahit na walang kuryente)
Mag-cook~~~cook~~~cook~~
Mag-cooooook~~~



Thursday, July 13, 2006

Daddy's Girl

I used to be a daddy's girl. When I was a kid, I always wanted to be with my father. Always. And he, in return, would always try to be with me, if he had no things or work to be done. When I wanted to stroll at SM North, he would be the one to accompany me. He knew that I hate it when my mother would join us and try to comment on everything that I wanted to buy. That's very expensive, try this instead, this is much cheaper than that, and the quality is almost the same, blahblahblah. But my father would barge in and buy me what I thought and he thought was the best for me. He has an excellent taste on buying things of top quality. Never mind if it's expensive, as long as it is the best in line, go buy it. He would bring me to restaurants with the best food, just to give me a taste on how it felt eating in places like that. He would bring me to carnivals and amusement parks so I could have a good time. He would buy me branded shoes and clothes. Although, we're just a middle class family, he would always strive to provide us with the best, always the best. He was one heck of a guy, with many sidelines and transactions (there were so many that even our family couldn't remember all of them), always on the go. I was very proud that he's my dad, and I was proud that I was her daughter. Was.

I really couldn't figure out what happened, but as I got older, the pedestal where I used to see my father and look up to him slowly vanished. I changed. He changed. He was no longer the man who could bathe me for an hour, without me feeling uncomfortable or embarrassed. He was no longer the man I could hug and kiss whenever and wherever I wanted to. He was no longer the man I made cards for every father's day and his birthday. A wall between us emerged; a wall created and strengthened by my time and experiences away from him. We couldn't understand each other anymore. He often would scold me about the things I should and shouldn't do for my betterment. I often blamed him for being narrow-minded and preventing me to explore and learn from my own mistakes. It felt like I was the prodigal daughter amongst his children.

Just this morning, we had a big fight about my work. He didn't want me to continue my part-time job because of the schedule, since my shift starts at 5am. I've been working there for a month and a half, and every time I was about to leave for work, he would always start a fight about it. I understand that he is concerned with my safety, but I already have a commitment with the company I'm working for. And I'm just doing that to help out with my family's finances. But this morning, he didn't seem to comprehend my reasons. He blocked the door so I couldn't get out. It was really terrible, all the fighting and blaming part, throwing of cruel words. I cried a lot. And I was hurt. I knew he was, too. At the end, he finally decided to take me to work himself. We were very quiet then. Before we rode the cab, he bought me a pack of mentos and lent his hanky. Although he had a religious discussion with the driver (one of his hobbies), the taxi ride was very calming, nonetheless, giving us some space to reflect. Our parting was fine, there was an air of hope that the right time would come when both of us could learn to give way to each other's decisions, to build again a healthy relationship between us.

I was his girl. I am his girl still.
But at the same time, I am also not HIS girl.


I love you Papa, I always did. And will always do.

S.O.T.


(,"): Walang humpay na pagniniig,

Sa gitna ng kwartong madilim at malamig;
Habang nagsasalo ang mga mapusok na bibig,
Sa walang tigil na pagtagaktak ng tubig.

(",): At muling naghinang ang kanilang mga labi,
Pikit matang dinama ang mga haplos at himas ng kanilang mga kamay,
Balat nila'y pawisan sa tuwa
Ng mga umaalon na laman.


(,"): Ang mga namutawing salita,
Kasabay ng buntong hininga ng pagnanasa;
May pagkaaktuwang ang mga paggalaw,
May isang ritmong ipinapataw.

(",): At bumigat ang mga hininga,
Bumilis ang alon na animo'y magdadala sa kanila
sa ligayang hindi mapaliwanag,
Nagkita ang mga mata habang nagkayakap ang mga paa at kamay.

(,"): Sa kanilang walang tigil na pag-uulayaw,
Sa kanilang ritmong isinasayaw;
Naabot ang sukdulan
Ng inaasam na kaligayahan.

(",): At diyan nagwawakas ang kwentong maalab xerex...
sa susunod...mabuhay!

(,"): Mæbuhey! At diyan nabuhos ang panggigil
Ng dalawang taong hindi makapagpigil. ;)

I hate him...


But I still love him.

Sunday, July 09, 2006

Ang ilong ko ngayon ay terible.
Nagpapahabol na parang babae.

Thursday, July 06, 2006

A Slacker's Dream


I just realized that I wanna study abroad and take my graduate studies there. I find it more conducive to study in a new environment rather than in place that I'm already familiar with. I easily get bored, that's the problem with me.

Maybe that's one of the reasons why I chose Ateneo over UP even if the latter was my dream school. That time, when I was in a dilemma where to spend my college years, I found out that almost all of my batchmates would be studying in UP. And it bothered me. I would be in a different school, but I would still be with my old pals, mingling with old faces. Not that I had a problem being with my friends or batchmates. I just wanted to start a new beginning, a new life, a new me. And I thought that that wouldn't be possible if there were people who still treated me like what I was in high school--that I was not mature enough, that I couldn't do this and that, that I was a happy-go-lucky gal. I needed some room to grow, and to be able to do that, I had to be in a place where nobody knew who I really was. Back to zero. Getting-to-know phase. Like a clean sheet of paper ready to be drawn by someone, say, an artist.

Wanna get surprised every now and then, meet new people, study and try new things, go to places I've never been. Adventure. Hay.


And yes, I'm thinking about these things while I can't even get decent grades in my subjects this semester. Sheesh.
Is there any scholarship granted to slackers like me? (100% tuition and fees, dorm, allowance, and a two-way ticket)
How I wish.

For that, I think I will write to Wish Ko Lang. ;)

Wednesday, July 05, 2006

Kaewanan


Lately, epitome ako ng salitang ewan. Lahat ng katanungang bumubulaga sa mukha ko, puro ewan ang sagot ko.
Ano na bang nangyayari sa buhay mo Fatima?
Ewan.
Ano na bang nangyayari sa pag-aaral mo?
Ewan.
Bakit ka natutulog imbes na nag-aaral at ginagawa ang takdang-aralin?
Ewan.
Bakit ka bugnutin ngayon?
Ewan.
Bakit hindi ka makapagprove sa Automata subject mo?Bobo ka ba?
Ewan. Ewan.
Bakit hindi ka pumapasok sa isang klase mo?
Ewan.
Bakit ba ganyan ang buhok mo, may sariling buhay, hindi sumusunod sa pag-ayos mo? Bakit ka kulot eh samantalang diretso ang buhok ng mga kapatid mo?
Ewan.
Bakit naging ugali mo ang maglinis ng mga mouse sa computer lab sa iskul?
Ewan.
Bakit ang hilig-hilig mong matulog, para kang baboy na palamunin?
Ewan.
Bakit pakiramdam mo matanda ka na, eh bente uno años ka pa lang?
Ewan.
Bakit puro ewan ang sagot mo sa lahat ng tanong dito?
EWAN. EWAN. EWAN.

Bakit si...?
Ewan ko ngaaaaa.

Bakit ba ang kulit-kulit mo, sabi ng ewan ko nga eh?!!
Bah, ewan ko sa'yo.





Sunday, July 02, 2006

At Work on a Friday Morning

Sitting here all alone on a friday..
Dialing up computer-generated numbers.
Giving out surveys to people i don't even know and i don't barely understand.
Almost begging them to answer my questions.
Putting a plastered smile on my voice and pretending I REALLY CARE for them.


I miss him...
OR I just miss having someone.

I'm tired of being alone...
So hurry up and get here...
So tired of being alone...
So hurry up and get here...
Get here...

A love song for no one.
A love crap for no one.