UPDATE for UPDATE's SAKE
Wala lang, nagpapalipas lang ng oras dito sa bahay, kadarating ko lang galing sa workie. Sinubukan kong magpraktis sa typingtest.com pero ayun, tinamad na ako. Ang labo kasi ng monitor ko eh. Pero nung nasa workie ako, natuklasan kong 37 WPM lang ang kaya kong i-type. Kamusta naman di ba? At kelangan pa namang above average typer ako sa workie para makuha ko lahat ang komento ng mga kupal na Kano kapag sila'y hindi kuntento sa serbisyong nakukuha nila sa aming mga kliyente. Hmmf.
Ano na bang mga kakaibang nangyari sa akin ng mga nakaraang araw? Hmmmz..
1. Kinagat ako ng daga sa daliri ko habang ako ay natutulog sa mataas na kama ng parents ko. Yez, I'm not kiddin. Napagkamalan yata akong keso at tinikman ako ng lintek. May 2 butas na marka ng ngipin ang naiwan sa daliri ko, at iniisip ko kung paano naging ganoon ang marka ng kagat niya samantalang 4 ang pangil niya. Apparently, yung kabilang side ng daliri ko ay kuko, at nakita ko ang galos ng 2 pangil ng gagong bubwit sa kuko ko. How interesting. Sabi nga ng tatay ko paduguin ko raw ng paduguin, kasi may rabies daw ang daga. Sa ngayon, pinagmumunihan ko kung paano ma-rabies ng daga...Katulad din ba nila ang asong may rabies na nakakagat, na nagiging asong ulol? Meron bang dagang ulol??? Please help me, hindi kaya ng level ng powers ko ang katanungang ito.
2. May nakausap akong skulmeyt at sinabi niyang maganda ang boses ko sa foney. Syemps, sabi ko, yan ang puhunan sa workie eh. Sinabi niya rin pala na karaniwan daw na ang mga magagandang boses ay kabaliktaran naman ang itsura sa personal. Wow, sabi ko, sana hindi na lang niya idinagdag ang komentong yun. Sinabi niya na sa boses ko, dapat magaling akong kumanta (Salamat sa paniniwala mo, pero mananatili lamang sa paniniwala yan). Ahehehe. Pero ginanahan akong kumanta kahit ayaw ng pagkanta sa akin. Hehehe. Miiiiiioooooooo~~~~~Lalalalalala~~~~~~
3. Hindi ko pa rin gamay ang assembly language ampotah. Hindi pala bago yun.
4. Namimiss ko na ang aso naming abnoy (tingnan niyo ang pix niya sa entry ko na MOOCH). Kahit na para siyang asong ulol sa pagsalubong niya sa akin sa sobrang excitement niya, na tipong puro galos ako pagkatapos, miss ko pa din siya. Nagtataka ka siguro kung nasaan na siya nagyon noh? Nasa malayong lugar na, sa may terrace namin sa 2nd floor. Nakikita ko na nga lamang siya tuwing umaalis ako na nakasilip sa may terrace. Naalala ko pa dati na nakakalusot pa siya dati dun at parang tambay na lalakad-lakad sa ibabaw ng bubong namin. Dahil macho na siya ngayon (at binata na), hindi na niya mapagkasya ang katawan niya sa siwang ng terrace. Tsk, you're growing Moochie, I'm proud of you.
There it goes up in the terrace, There it goes beyond the terrace, With no reason why, I barely see you Mooch, I barely see you Mooch, For you to see me down~~~
5. Inanay ang mga mahal kong libro sa Physics at Comp Eng'g. Taena talaga, ang mahal pa naman ng pagkabili ko run. Goodbye Tipler. Goodbye Circuits Chuvanez. Goodbye Turbo Pascal. At least nagamit kayong pagkain at bahay ng mga anay. Nagkaroon kayo ng silbi sa kahu-hulihan niyong pamamalagi dito sa mundo. Nawa'y maging mabuti kayong pataba sa mga halaman.
6. Napag-alaman ko na kapag tinanong ng lalaki sa kanyang asawang babae na parang kinukulam siya ng huli, siguradong mag-aalburuto ang babae at giyera ang magaganap. Hindi makakapasok ang mga anak sa pagpigil sa pagbabatuhan ng dalawa. Lalayas si babae. Bibigyan ng anak si babae ng perang pamasahe papunta sa isa pang anak ni babae. At kinabukasan, babalik si anak na nakasara ang pinto ng kwarto ng parentals, kakatok, at matutuklasang magkatabi ang parentals. Trust me, totoong nangyari 'to.
Wala na akong ibang maisip pa. Nanghahang na ang utak ko. Shetnez. Umiiral na naman ang katamaran ko. Hmmf. Bat-si muna ako. Bleh.

2 Comments:
This site is one of the best I have ever seen, wish I had one like this.
»
By Anonymous, at 6:16 PM, August 10, 2006
Hmm I love the idea behind this website, very unique.
»
By Anonymous, at 5:05 AM, August 16, 2006
Post a Comment
<< Home