gotta have faith!

Tuesday, June 27, 2006

Maselang Bagay ang Pagtanggal ng Tinik sa Lalamunan

Tangina mong tinik ka.
Ang hirap mong lunukin.
Sobrang kapit mo.
Hindi ka basta-basta sumasama sa laway ko sa bawat paglunok.
Kahit uminom ako ng isang basong tubig.
Kahit lumamon ako ng isang buong saging na lakatan.
Kahit dalawang kutsarang kanin hindi mo ininda.
Halos isuka ko na nga ang lahat ng kinain ko kanina sa pagtatangka kong sungkitin ka.
Pero 'langya, ang tibay mo.
Sinubukan ko na rin na lumunok ng polo, oo, yung "mint with a hole".
Baka sakaling sumabit ka sa butas nito at nang matunaw ka na ng tiyan ko.
Pero hanep ka talaga, nandiyan ka pa rin, nakaangkla.
Saludo talaga ako sa katatagan mo.
Para kang ako eh, yung tipo ng estudyante na kapit-sa-patalim-basta-pasado-lang.
Naiintindihan ko na tuloy ngayon ang pakiramdam ng mga guro ko sa akin.
Para ka rin yung tipo ng taong ang sarap-sarap i-flush sa inidoro.
Leche kang tinik ka.
Pa-hard-to-get ka pa kasi eh.

Mas mabuti sigurong lunurin kita sa muriatic acid o sulfuric acid para mas matapang.
Tiyak tunaw ka.
Pati na ang mga estudyanteng katulad ko.
Pati na ang mga taong masarap burahin sa mundo na katulad mo, dito sa lalamunan ko.




Parang ikaw.

1 Comments:

Post a Comment

<< Home