gotta have faith!

Monday, June 19, 2006

Habang kumakain ng mais at iniisip ka.


Alam ko kung paano maging masaya:
Sa tuwing nag-uusap tayo ng walang kabagay-bagay.
Sa tuwing napapatawa kita sa mga popcorn jokes ko.
Sa bawat tawang isinasagot mo sa paghalakhak ko.
Sa mga mensaheng sumasalubong sa akin sa umaga.
Sa mga mensaheng nagduduyan sa aking upang makatulog sa gabi.
Sa katapatan ng boses mong pumapawi sa pighati ng isang sawing mangingibig.

Alam ko kung paano magtampo:
Sa mga usapang namumutiktik ng nakababagabag na katahimikan.
Sa mga katanungang walang kasagutan.

Ang dating ningas ng puso'y unti-unting nilunod ng tubig ng kahapon.

Alam ko kung paano masaktan.

Alam ko kung paano magalit.




At alam ko kung kailan ka dapat bitiwan.

2 Comments:

Post a Comment

<< Home