gotta have faith!

Saturday, June 10, 2006

Lihim.

Mga sikretong pagkikita.
Mga nakaw na halik sa mga tagong lugar ng aklatan.
Mga makahulugang ngitian at titigan.
Mga tagong paghahawakan ng mga kamay sa ilalim ng mesa ng isang kainan.
Mga usapang umiikot sa karanasang inyong-inyo lamang.
Ang pagsasanib ng mga katawan na ang tanging saksi ay ang apat na sulok ng kwarto--ang kwartong pinag-iinugan ng inyong mundo.


Mga pagpapaalam na hindi maaring isulat sa libro ng kasaysayan--kailanma'y hindi naganap.

2 Comments:

Post a Comment

<< Home