Isa ito sa mga paborito kong tula na isinulat ng isang guro sa pamantasan namin. Binasa ito ng guro ko sa klase namin sa Fil12. Nainlab kaagad ako sa tula.
Maderpader, drama mode ako ngayon.
Owell, paminsan-minsan lang naman.
Bukas masaya na ako ulit.
----------------------------------
AWIT KAY ANA
Walang ginagawa ang mga bituin
Kundi pagmasdan ang mga mangingibig.
Isang gabi, kapag ikaw ay umiibig,
Tumingala ka sa mga bituin.
Malasin mo ang kanilang ningning,
Ligaya mo'y sinasalamin.
Mabait ang mga bituin.
Sa mga mgangingibig
Isa lamang ang hiling:
Umibig, umibig, umibig
Nang may magawa ang mga bituin.
Walang ginagawa ang mga bituin
Kundi pagmasdan ang mga mangingibig.
Isang gabi, kung masawi ka sa pag-ibig
Tumingala kang muli sa mga bituin;
Pati liwanag, nagiging dilim
At tamis ng puso'y dahan-dahang umaasim.
Malupit ang mga bituin.
Sa mga bigo sa pag-ibig
Labis ang hinihiling:
Umibig, umibig, umibig pa rin
Nang may magawa ang mga bituin.
ni Eddie Calasanz
Maderpader, drama mode ako ngayon.
Owell, paminsan-minsan lang naman.
Bukas masaya na ako ulit.
----------------------------------
AWIT KAY ANA
Walang ginagawa ang mga bituin
Kundi pagmasdan ang mga mangingibig.
Isang gabi, kapag ikaw ay umiibig,
Tumingala ka sa mga bituin.
Malasin mo ang kanilang ningning,
Ligaya mo'y sinasalamin.
Mabait ang mga bituin.
Sa mga mgangingibig
Isa lamang ang hiling:
Umibig, umibig, umibig
Nang may magawa ang mga bituin.
Walang ginagawa ang mga bituin
Kundi pagmasdan ang mga mangingibig.
Isang gabi, kung masawi ka sa pag-ibig
Tumingala kang muli sa mga bituin;
Pati liwanag, nagiging dilim
At tamis ng puso'y dahan-dahang umaasim.
Malupit ang mga bituin.
Sa mga bigo sa pag-ibig
Labis ang hinihiling:
Umibig, umibig, umibig pa rin
Nang may magawa ang mga bituin.
ni Eddie Calasanz
2 Comments:
Here are some links that I believe will be interested
By Anonymous, at 8:36 PM, August 09, 2006
This site is one of the best I have ever seen, wish I had one like this.
»
By Anonymous, at 10:48 AM, August 16, 2006
Post a Comment
<< Home