gotta have faith!

Wednesday, May 24, 2006

Ikalawang Kabanata ng Ang Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ng Napipintong Manggagawa


at yes, kukuwento ko na muna ang mga sumunod na pangyayari tungkol sa pagkuha ko ng requirements sa work. parang wala akong reporting mamaya. ahihihi. :)

--------------------------------------
NBI CLEARANCE
day 1

dahil nga "hit" ako, or may kapangalan ako, kailangan kong bumalik after 2 weeks para iverify kung sinuman ung kapangalan ko, kung may kaso ba cia o wala. after 2 weeks, balik ako sa qc hall nbi satellite. mag-aalas otso pa lang nun, mga 150ft na ang haba ng pila. takte nakalimutan ko pa ang payong ko at tubig. bumili nalang ako ng tubig; tinakpan ang ulo ng panyo. buti nalang yung babaeng nasa likuran ko may payong, nakisilong na lang din ako. nang malapit nako sa counter(sa wakas), ayaw tanggapin ang resibo ko. pinababalik ako kasi RAW brownout nung kinagabihan kaya hindi naprint ang mga nbi clearance due that day.WTF.kung kelan nasa window nako dun lang sinabi.inannounce naman daw NUNG UMAGA.fudge fudge fudge. hindi man lang sila nagpost ng announcement para hindi na pumila yung mga kukuha ng araw na un.leche. tinanong ko kung cguradong meron na pagbalik ko, sabi nila confiiiirmed daw.for pick-up nalang.

day 2

so, wala akong choice kundi bumalik. tutal confiiiiirmed namang makukuha ko, so pila ako. kung nung nakaraang araw eh 200 feet, cguro ngayun eh 300ft.unting diperensya lang, 150ft lang naman, so pila nako. after 1.5 hours of waiting, halos walang paggalaw ang pila, cguro mga 15 tao lang ang nabigyan ng nbi clearance.puke anu beh??isang matandang babae kasi ang nagbibigay ng clearance at kabagal2 maghanap.leche.so punta ako dun sa loob ng opisina, hinarangan ako nitong maangas na guwardiya, anu daw ang business ko sa loob. so sinabi ko na pangalawang beses na nila akong pinabalik at for pick-up na lang ang nbi clearance ko. mukhang nagaalinlangan pa siyang papasukin ako(mukha ba akong terorista?) pero pinapasok din ako sa wakas. pinuntahan ko yung nagpiprint ng clearance, tinanong ko kung cgurado na bang meron akong clearance kasi ayoko namang masayang ang oras ko sa pagpila pagkatapos sasabihin na naman nila wala pa(sa magalang na paraan ko sinabi ha). mejo bugnutin yung babae, pero nicheck niya sa pc.ang resulta: wala pa. kelangan ko raw pumunta sa quality control ng nbi sa carriedo plaza, malapit sa quiapo church. may kapangalan daw kasi akong may kaso. iveverify pa raw nila dun, at pag napatunayang hindi ako yung babaeng may kaso, bibigay nila ang clearance ko. anak naman ng pating! bakit kelangang pahirapan nila ako ng ganito??? wla naman akong kaso eh. kung kaso ang prostitution, fine, eh ndi naman nila ako nahuli eh. choz,baka maniwala naman kau sakin, hehe.;p so un, binigyan nila ako ng time at date ng pagpunta dun, wednesday 2pm.

day 3

hindi ko alam kung papaano pumunta sa nbi taft, so talgang pakikipagsapalaran ang nangyari.kung sino2 ang natext ko bago ako makarating dun, palinga2 ako na parang probinsiyana(pasubali kay kristia :p). sa awa ng diyos(na hindi pa patay kasi wednesday palang nun at friday pa cia mamamatay), nakarating naman ako sa quiapo church before 2pm.so kumain muna ako sa jabi, then resume agad sa paghahanap ng nbi. nakita ko naman agad ang nbi, kaya lang may isang maliit na problema. sarado. $%$$#&^*(@@&**^**&^$#^&^%#$%!!!!??#!@$#@!!!!!!! mahinahon kong tinanong ang guard, "bakit sarado ang nbi samantalang pinapupunta nila ako dito ngayun ng 2pm?" ang sabi ng guard before lunch pa lang, naguwian na ang mga empleyado kasi maaga clang pinagbakasyon.balik na lang daw ako sa monday.potaaaaaaaaaaaaah!nagsmile nalang ako sa guard, nagpasalamat, at sa loob2 ay nagiisip kung kanino ko pwde pakulam ang mga tao sa nbi. smile ulit.:)


--------------------------
BIR 1902 form

matapos ang napakaproductive na pagpunta ko sa nbi taft, napag-isip2 kong ipasa nalang ang BIR form ko sa BIR pasig(at hindi ko rin alam kung san to) dahil may nakita akong jeep papuntang pasig palengke. mga 240pm plang nun, baka makaabot pako na bukas yun.so un, nakipagsapalaran na naman akong pumunta sa lugar na hindi ko alam(considering isa akong boplex sa direksyon), at pinakiusapan ang driver na ibaba ako sa BIR. tumango naman cia sabay hingi ng 3 pisong dagdag, Php 20 na ang binayad ko nun. aba, mukhang malayo2 ang byahe ko ah, kasi 23 ang bayad eh. so un nakatulog ako sa pagod at init. pagkagising ko mag-aalas330 na, at mejo mtrapik. hindi ko na nga alam kung san lupalop na ako nakarating, so tinanong ko ulit ang driver kung malapit na sa BIR, ang sabi niya mejo malayo pa, so byahe byahe byahe ulit. mga alas4 nako nakarating sa BIR, malapit pla un sa pasig city hall. nang makarating nako dun, pinasa ko na ang form ko, pero binalik sakin. akala ko may mali o kung anumang kulang, yun pala kelangan pang pafotocopy.okiesh fine, buti nalang may malapit na fotocopying machine dun. so un, binigay ko na. akala ko mabibigay na sakin ang TIN ko.so naghihintay akong ibigay sakin yung form ko, pero nung binalik niya ang isang kopya, nakalagay na balikan ko raw after a week.WTF.hay lecheng gobyerno to, amabagal magproseso. hay.



--------------------------
un lang.nakakapagod maglakad ng requirements. nakakapagod ding magtype ng kwento ko sa paglakad ng requirements na to.ugh. and yes, meron pa pla akong reporting mamaya.wala pakong nababasa at nagagawang powerpoint.ayus.:)

2 Comments:

Post a Comment

<< Home