Ang Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ng Napipintong Manggagawa
owell.at least may importante akong natutunan sa pagkuha ng nbi clearance: may kapangalan ako. naisip ko nga anu kaya kung may kaso ako, prostitution.hehehe. may isa tuloy akong narealize: pag ako nagkaanak balang araw, papangalanan ko siya ng kakaiba para makukuha niya agad ang nbi clearance niya, yung tipong pikachu.ayus.ahehehe. :)
andami palang requirements para makapagtrabaho.hindi pa nga ako nagsisimula, andami2 ng gastos. and yes, magtratrabaho nga pla ako ng part time sa convergys. un. at sa pagkuha ko ng mga requirements(at iilan palang itong mga babanggitin ko)naisip ko lang na lecheng gobyerno to, kung ano pa yung alam na alam nilang kelangan ng tao, hindi nila pagtuunan ng pansin para magkaroon ng improvement ang proseso ng pagkuha nun!hindi lang talaga pawis ang tatagaktak sau, pati uhog, dugo, lahat2 ng fluids sa katawan mo, makuha lang ang mga requirements na un. kung saan2 kasing bagay napupunta ang pera ng bayan, kung kani-kaninong bulsa napupunta, imbes na padaliin ang buhay ng taumbayan(halimbawa na sa pagkuha ng requirements na to).eto nga pla ang mga naexperience ko sa pagkuha ng sss at nbi clearance(at marami pa akong dapat asikasuhin).ugh.
---------------
SSS
may branch pla ng sss na malapit samin(frisco) at kelan ko lang nalaman un. in fairness, mabilis naman ang pagkuha, maliban sa manyak na nagbibigay ng form.
faith: manong, pwede po bang makakuha ng form?
manong na manyak: ano bang form ang kelangan mo?(sabay siko sa dibdib ko)
faith:(mejo napaatras, akala ko aksidente lang) uhm, E1 po.
manong manyak: (kinuha ang form) eto o, fill up mo lang to (sabay segway ng siko sa boobs ko)
leche. pagkafill-up ko ng form, binigay ko sa kanya, at binigay niya kagad sa counter. nakuha ko agad sss ko, hindi ko alam kung mabilis lang talaga o napabilis dahil sa "pagsiko".
---------------
NBI CLEARANCE
sinabi ng hipag ko na kelangan daw ng sedula sa pagkuha ng nbi, dala rin ng birth certificate. sinabi niya na kumuha n muna ako sa city hall ng sedula para diretso na agad sa nbi. at ang pinakamahalagang paalala niya: PUMUNTA KA NG MAAGA. so kaninang umaga, gising me ng maaga, mga 7.nandun na cguro ako sa city hall ng 745 para kumuha ng sedula. sa pagkuha naman ng sedula, madali lang, bayad P21 fill-up ng maliit na form, tapos meron na agad, hindi ka tatagal basta may barya ka(at unfortunately wala ako).parang anu beh?!alam naman nilang may perang involved, sana naman naghanda sila ng panukli.so ayun naghintay ako ng ibang magbabayad hanggang mabuo yung sukli ko.then nagtanong2 ako kung san makakakuha ng nbi clearance(sa likod ng city hall to).
on the way to "nbi satellite"(un ang tawag nila dun sa kuhanan ng nbi clearance), andaming nabebenta ng black ballpen, at mga sasalubong saung mga "fixers"(sila ang mag-aasikaso at pipila para sau, at maghihintay ka nalang). buti nalang may dala akong black gelpen at wala naman akong balak magpafix ng nbi clearance ko kasi ala akong datung. nang makarating ako sa "nbi satellite", naisip ko:whathefuck. 8 palang nun at kamusta naman ang pila.marami at mahabang pila. bandang unahan lang ang nasisilungan ng pila, the rest nasa initan ng araw(at thankfully, nakapagdala ako ng payong, pamaypay, at malaking bote ng tubig). limang counters ang dapat daanan pag new aplikante(payment, data check, finger printing, picture, data entry) at tatlo naman kapag renewal lang(payment, picture, data entry). yung huling counter, releasing of clearance, depende sa hit verification mo. kapag "no-hit", o ang ibig sabihin eh wala kang kapangalan, makukuha mo agad ng araw na yun, mga isang oras lang ang hihintayin mo. kapag "hit",o yung may kapangalan ka, 2 weeks mo pa makukuha. ang bawat counter na ito ay may pagkahaba-habang pila, at lahat ng yun eh kelangan mong pilahan. ang problema eh kelangan mo pang hanapin ang pila kasi sa sobrang haba eh labu-labo na talaga.ang isa pang problema, walang maayos na instructions kung papaano ang gagawin.sira-sira dahil sa kalumaan ang mga supposedly eh instructions talaga, tinamad na silang palitan pa.
COUNTER 1-PAYMENT
pumila ako.nung magbabayad na ako, nakita ko dun sa counter window(at nakasulat sa maliit na papel): "hindi kelangan ng sedula sa pagkuha ng nbi clearance". ow. sayang ang oras at pera ko sa pagkuha ng sedula, kung dumiretso na ako dito eh baka mas nauna ako sa pila (cguro sa mga 4-5 tao) kahit papaano.pwede pala ang kahit school id lang sa pagkuha ng form.pagkakuha mo ng form, may isang table na walang upuan ang pwede mong gawing patungan para sa pagfill-up ng form. eto pang isang problema sa form nila: sana man lang eh naisip nilang english/tagalog ang ginamit sa form para mas maintindihan ng mga aplikante. may katabi nga ako na nagtanong sakin kung ano ang civil status at birth place. nung tinagalog ko, ang sabi niya, "bakit ba kasi kelangang ingles pa to, ang hirap2 intindihin." kung satin, napakadaling sagutan ang form na to, dahil nakapag-aral tau at nabigyan ng edukasyon. pero paano yung ibang hindi nagkaroon ng pagkakataong malaman ang mga salitang Ingles na to, at nagkataon din namang kelangan niyang kumuha ng nbi clearance para makapagtrabaho?ugh, nakakainis talaga.
COUNTER 2-DATA CHECK
titingnan lang sa counter na to kung tama ang nilagay mo sa form. relatively mabilis compared sa unang counter though kelangan pa ring pumila(and yes mahabang pila parin).
COUNTER 3-FINGER PRINTING
dun sa misnong nagcheck ng form mo ikaw magpapafinger print.kukunin lahat ng finger prints sa 2 kamay mo.at sila mismo talaga ang hahawak ng mga daliri mo, lalagyan ng ink ang mga to, at ilalapat sa papel.may libreng comment pa sa pananamit ko. ang sabi sakin, "yan ba ang uso ngayon, kita pusod at mababa ang pants?" (mejo kita burger ab ko at maluwag lang pantalon ko). at hindi lang yun, "pumila dito ang mga kita ang pusod!" HAHAHA. tapos pagkatapos niyang magcomment sa damit ko eh binigyan ako ng wet tissue na nakalagay sa plastik. nung ginamit ko na at paalis na ako ng counter, biglang sinabi sakin,"miss P5 yan." ow.ok. what a way to earn money. ni hindi man lang tinanong kung gusto ko bang gumamit nun, o kung kelangan ko pa nun. may tissue naman ako, at kayang-kaya namang maalis kaagad nung ink na super labnaw. ni hindi man lang talaga binigyan ng choice ang tao.tiyak ngang yayaman sila sa magandang strategy na to.
COUNTER 4-PICTURE
dati nagtataka ako pag nakikita ko ang nbi clearance ng mga ate at kuya ko.ampangit ng kuha nila, parang sabog. now i know why. sino ba namang tao ang hindi magiging mukhang sabog at mukhang pasan ang daigdig dahil sa haba ng pila at sa init??? webcam nga pala ang ginamit sa pagkuha ng picture.wala lang.(i wonder kung ginagamit nila yun sa pagchachat?hehehe.;p) napakabilis ang pagkuha ng picture, mga 5 seconds lang. pero yun, kelangan mo paring pumila ng pagkahaba-haba.compared sa iba, ito na ang pinakamabilis na pila.
COUNTER 5-DATA ENTRY/HIT VERIFICATION
eto ang pinakamatagal at mahabang pila sa lahat.as in. dito titingnan kung may kapangalan ka o wala,kasi kung meron baka may criminal record yung kapangalan mo o ikaw mismo.hiwalay ang pila ng babae sa lalaki.pero parehong mahaba. katulad ng nasabi ko na, pag "hit" may kapangalan ka at makukuha mo pa 2 weeks after para iverify nila records mo.pero pa "no-hit" o wala kang kapangalan, makukuha mo agad in an hour. so syemps nagdasal ako, sana wala akong kapangalan dito sa pinas para naman mabilis ang pagproseso ng clearance ko. binigay ko yung form at resibo. tapos pinasok ang data.pagpindot ng enter: "HIT".ok,may kapangalan pala ako(my name is not unique..huhu).leche talaga.kelangan ko pa naman next week lahat ng requirements ko.shoot.so un, binigay lang yung resibo, hindi man lang sinabi sakin na sinulat niya ang claim date sa likod ng resibo.kinailangan ko pang magtanong2 sa mga tao at grot na gwardya kung ano ang gagawin after nun.ugh.
----------------------------------------

2 Comments:
Great site lots of usefull infomation here.
»
By Anonymous, at 5:08 AM, August 13, 2006
Nice idea with this site its better than most of the rubbish I come across.
»
By Anonymous, at 8:48 AM, August 18, 2006
Post a Comment
<< Home