gotta have faith!

Sunday, May 28, 2006

Mga Alaala sa Ulan


Habang nasa jeep ako at papauwi na ng bahay, biglang umambon. Nang makarating na ako sa sm north at tumatawid na ng overpass, mejo lumakas ang ambon. Keri lang, binilisan ko na lang ang paglakad para makasakay na ako ng trike. Si Inang Kalikasan yata eh binibiro ako, pinabuhos niya ang malakas na ulan. As in malakas na may kasamang hangin. Para akong binuhusan ng isang dram ng tubig. Dali-dali akong nakisilong sa apartelle na katapat ng sm north annex (yez, it does exist). Kung wala lang talaga akong dalang mga circuitries(a.k.a mga gadget para gumawa ng bomba*evil laugh*), ok lang sana ang mabasa. But no, lab breakage fee ko ang nakasalalay dito (pwedeng ko pang pangmovie ahehehe). Hence, instant basang-sisiw -na-nakikisukob-sa-lahat-ba-naman-ng-lugar-ay-sa-apartelle-pa ang drama ng lola mo. Napakanta tuloy ako ng, "Heto ako basang-basa sa ulan~~~walang masisilungan~~~walang malalapitaaan~~~". At lalo pang lumakas ang ulan. Ayus.;)

Habang naghihintay akong tumila kahit unti ang ulan(at umabot ito ng 30 minutos), nagmuni-muni ako ukol sa ulan. Salamat sa pilosopiya, mabuti raw itong gawain, ang pagmumuni-muni, wag nga lang habang naglalakad at siguradong madadapa ka, maniwala ka, laging nangyayari to sakin.;) Ang mga sumusunod ang bunga ng aking pagmumuni-muni. Nagbakasakaling bka mapainit nila ako habang giniginaw sa tapat ng apartelle na yun.

------------------------------------------

1. Nung bata pa ako, lagi akong naliligo sa ulan. Kadalasan nga, panty lang ang suot ko (paminsan-minsan hubo't hubad dahil hinuhubaran ako ng kalaro ko). Ayus. Bold star na nagpapaulan ang drama ko. Buti at hindi ako kinuha ng Seiko Films. Hindi ako nagkakasakit nun, kasi nung tumanda na ako, kapag naulanan ako, minsan nilalagnat ako. Ngayon nga, gustong- gusto kong mahiga sa sunken at magpaulan. Yung may kasama ako na willing ding magpabasa sa ulan. Pakakasalan ko ang taong yun. Yuckiness ang cheesy! bwahahaha! :D

ARAL: Habang tumatanda, madaling magkasakit kapag naulanan.


2. Nung una kaming nagkita ng pers boyren ko, katatapos lang umulan. Pati ikalawang pagkikita namin, ganun din. Matapos naming mag-isaw sa ilang-ilang, biglang buhos ang ulan at pareho kaming walang payong. Para kaming lumangoy-sa-dagat-na-fully-clothed habang naghihintay ng cab. Habang nag-aabang kami, panay pa ang text ng nanay ko na umuwi na ako. Takteng buhay. Umuwi ako sa bahay na walang tuyong parte sa katawan ko. Ayus. Sa ikatlong pagkikita namin, alam naming gusto namin ang isa't isa. Kinantahan ko siya ng, "Mahal kita, mahal kita, Lito bola~~" at sinabing "Pramis, kahit kumidlat man ngayun." At kumidlat nga(binigyan ko ng "lagay" si Inang Kalikasan nito). At umulan. Ayus.

ARAL: Iwasang kumanta kung magtatapat ka ng pag-ibig sa minamahal mo (lalo na kung kaboses mo ako). Tiyak uulan.


3. Nang maghiwalay kami ni pers boypren, nasa Quezon ako nun at nagbabakasyon sa aking close friend na bakla (a.k.a. poreber lab pakner, my other self, "ning"). Nov 1 nun ng nakaraang taon. Sa text lang siya nakipaghiwalay (after almost 3 months na hindi pagkikita dahil nasa malayo siyang lugar) dahil "distance affects love and trust". Pakingsyet. Katatapos lang pala ng 2nd anniv namin nung Oktubre. Ayus. Pumunta na lang ako sa sementeryo kasama ang kaibigan ko at mga kamag-anakan niya. Nakipagluksa na lang din ako sa kanila. At oo nga pala, umuulan nun. Ayus.

ARAL: Wag isasabay sa Araw ng mga Patay ang pakikipaghiwalay. Siguradong madadagdagan ang ipagluluksa mo.


4. May naalala akong tula na ginawa ng pers lab ng matalik kong kaibigan. Gustong-gusto ko ang tulang yun kaya tinago ko sa kahon ko na puro mga "treasures" ko. Nakita ko naman yung papel kung saan nakasulat ung tula (at nakatapak ng tae ng aso namin sa pagmamadaling pumunta sa kwarto. ayus.) May elemento kasi ng ulan. eto pala yung tula :


A Bed has Two Sides

A poem for two selves.

10:01 pm.
The world prepares to sleep.
Another tiring day has come to its end.

Exhausted,


I lay beside you. I lie down.

You whisper to me I hear the patter
Sweet words, Of the rain on the roof,
A lullaby of thoughts, Soothing,
Your confessions of love, Hypnotically monotonous,

As I feel your embrace As I curl up inside my warm blanket.
Warm to the skin.

I wrap my arms around you, I lean against my pillow,
My cheek against yours, cold under the covers.
Warmth greeting my soul.

You tell me, - - -
For the eight hundred and
Twenty-fourth time,
That you love me.

I smile secretly in the dark, --I lie in the serene stillness
Squeezing your hand gently. of silence--

"...and I, you..." - - -

And I close my eyes. And I close my eyes.


Darkness greets me.


Yet I know you remain there. And keeps me company.


I feel at peace...


Complete. - - -



ARAL: Huwag magmadaling kumuha sa mga tinatago mong "treasure" tulad ng tulang ito. Tiyak makatatapak ka ng iba pang " kayamanan".

5. Naalala ko nung kinder pa ako. Pang-umaga ang klase ko nun, at lagi akong sinusundo pag uwian na. Nang araw na yun, biglang bumuhos ang pagkalakas-lakas na ulan. Wala rin akong dalang payong nun, at hind pa dumarating sundo ko. Kaya pinasit-in muna ako ng guro ko sa panghapong klase habang hinihintay ang nanay ko. Pero umabot na ng alas-dos (at alas-dose pa yung tapos ng klase ko), wala pa rin ang nanay ko. Buti na lang pinuntahan ako ng dalawa kong kuya (dun din sila nag-aaral), at sama-sama kaming umuwi. May payong silang dala, pero walang kwenta, walang kahirap-hirap na pinabaliktad lang ng hangin. Chicken lang ang pakikipagbugno ng payong namin kumpara sa susunod naming susuungin: ang baha. Iyon ang pinakamataas na baha na nilusong ko sa buong buhay ko. Hindi ko alam kung dahil bata pa ako nun kay anapakataas ang tingin ko sa bahang yun. Siguro. Lagpas- ulo ko lang naman kasi yung baha. Ang baba lang, chicken. Umapaw kasi ang ilog nun, kaya ganun. Buti na lang may mga binatang tinulungan kaming tumawid. Binuhat ako nung isang binata, at inalalayan ng iba yung mga kuya ko. Ayus. Swimming galore kasama ng mga basura at ayoko-ng-sabihin-kung-anu-pang-kayamanan-yun. Pagdating sa bahay, nagulat ang nanay ko, dahil sinundo pala kami ng tatay ko, at sobrang nag-aalala kasi nagkasalisi kami. Akala ng tatay ko, yung kuya ko yung naaksidenteng bata na nalunod sa may tulay, kasi dun kami dumaan. Kinabukasa, tirik na tirik ang araw. Ibinilad namin ang mga notebook at libro sa labas, yung iba, niblower, at yung iba niplantsa Ayus.

ARAL: Mas maganda ang pagkakatuyo ng notebook at librong nabasa sa ulan kapag niplantsa kaysa pinatuyo lang sa blower at araw . Plantsado eh.

----------------------------------------------

Marami pa akong naisip na alaala nung ukol sa ulan, pero hindi ko na babanggitin pa. nakalimutan ko na eh. ahehehe. Saka hindi ako ganun katalentado para makapagtayp pa ng matagal lalo na kung burado ang mga letters ng keyboard mo. Isa pa, natigil ang pagmumuni-muni ko dahil mejo tumila na ang ulan nun kaya sinamantala ko na para makauwi. May maliit nga lang na problema: pagdating ko sa may gate namin, hindi kaagad narinig ang katok ko. Tapos biglang bumuhos ulit ang ulan. Ayus.

May pagka-Madame Auring rin pala si Inang Kalikasan. At pinaaalalahan niya ako dahil sa alam niya ang sikreto ko ng araw na yun:
Sabi ko na nga ba eh, dapat naligo na lang ako.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home