Para sa mga umiinom ng serbesa, isang tagay sa ating lahat.
Maraming salamat Sir Coroza at may mga katulad mong kayang isatula ang mga bagay na hindi ko kayang isulat.
-----------------------------------
ALAK
Ang alak anila'y gamot-pampalimot,
Epektibong lunas sa sama ng loob,
Bisa'y talab agad, lagok lang nang lagok
Hanggang sa manghina't ang diwa'y mag-antok.
Ano kung mag-amoy tsiko at magpungay,
Ngumawa't sa kalye'y magpasuray-suray;
Ano kung litisin ng makatatanaw.
Bigat ng dalahi'y hindi niya alam.
Kagabi, nagsayaw pati poste't bato.
Sambote'ng nabasag sa paghalakhak ko;
Nang tiyan ko'y halos pumutok na lobo,
"Sinuka ko pati ang aking pustiso.
Ay! Sana kagabi nang ako'y masuka,
Napatapon na rin ang 'yong alaala.
ni Michael M. Coroza
Maraming salamat Sir Coroza at may mga katulad mong kayang isatula ang mga bagay na hindi ko kayang isulat.
-----------------------------------
ALAK
Ang alak anila'y gamot-pampalimot,
Epektibong lunas sa sama ng loob,
Bisa'y talab agad, lagok lang nang lagok
Hanggang sa manghina't ang diwa'y mag-antok.
Ano kung mag-amoy tsiko at magpungay,
Ngumawa't sa kalye'y magpasuray-suray;
Ano kung litisin ng makatatanaw.
Bigat ng dalahi'y hindi niya alam.
Kagabi, nagsayaw pati poste't bato.
Sambote'ng nabasag sa paghalakhak ko;
Nang tiyan ko'y halos pumutok na lobo,
"Sinuka ko pati ang aking pustiso.
Ay! Sana kagabi nang ako'y masuka,
Napatapon na rin ang 'yong alaala.
ni Michael M. Coroza
2 Comments:
Angas ng Tula. nakaka-relate ako eh. :p
By Alan Tanga, at 1:16 PM, May 28, 2006
Interesting site. Useful information. Bookmarked.
»
By Anonymous, at 4:19 PM, August 17, 2006
Post a Comment
<< Home