gotta have faith!

Monday, May 29, 2006

Slacker mode...

Imbes na gumagawa ng experiments, nakaonline.
Imbes na nagreresearch, nagchachat.
Imbes na tinatapos ang project at take-home finals, nagchachat pa rin.
Ampotah, chaddict ka Fatima.
Anu bang nakukuha mo sa chat??

Ewan.
Masarap makipag-usap.
Masarap makakilala ng mga bagong tao, kahit na hindi mo sila nakikita.
Tinitimbang mo lang sila sa pagsasalitayp nila.
Hinihimay ang katotohanan sa kasinungalingan.
Sa bawat :) :D :( :)~ nila.
Sa mga tilang pasigaw na salita tulad ng "nooooooooooooooo", o pagtawa nila kapag "LOL".
Sa bawat pag-slap, kick, wapak.

Iniisip ko nga, na kung ganito rin sila sa personal.
Na kaya rin nilang sabihin ang lahat ng sinasabi nila sa chat.
O baka nasasabi lang nila yun sa chat dahil hindi nila nakikita ang taong kausap nila.
Mas madaling magpanggap.
Pwedeng magpanggap bilang isang hottie.
O matalino.O kwela. O maganda. O gwapo.
Kung kaya mong maniobrahin ang mga salita, napakadaling magpanggap.
Ginagawa ko rin ito paminsan-minsan.
Minsan nagpapanggap ako na bading, o kaya lalaki, o siraulo sa main.
Wala lang, nangungulit lang. Nang-aasar.
Entertainment kumbaga.
Sinasabi ang mga hindi kayang sabihin at gawin sa personal.
Owell.
Para paminsan-minsan, malaman ko kung ano ang pakiramdam ng isang taong nasa ibang katauhan.
At maisakatuparan ang mga bagay na lagpas sa pagkakahon ng realidad.

Sheesh.
Crap.
Kailangan ko lang ng tulog.
At cerveza negra.

3 Comments:

Post a Comment

<< Home