gotta have faith!

Wednesday, June 21, 2006

Sinubukan kong alisin ka sa sistema ko.
Ang pangit mo kasi eh.
Para kang maliit na tuldok sa isang maputi at malinis na papel.
Paulit-ulit kong sinira ang buo mong entidad.
Ngunit paulit-ulit kang sumusulpot, bumabalik.
Ang kulit-kulit mo, ang hirap pigilan ng pag-iral mo.
Pinaso ng sigarilyo ngunit hindi ka man lamang kumislot.
Sinaksak ng kutsilyo ngunit walang dugong tumagas.
Kinagat ng matalim na mga ngipin hanggang mapawi ang panggigil.
Lahat ng 'yan, balewala sa 'yo.
Wala ka kasing pakiramdam.
Manhid ka.
Manhid sa mga nangyayari sa paligid.
Manhid sa nandidiri at mapanghusgang mga mata.
Manhid sa bawat sakit na ipinapataw ko sa 'yo.
Manhid.

Ngunit, dapat binubura ang mga katulad mo dito sa mundo.
Pinapaso,
sinasaksak,
kinakagat.
Hanggang masunog.
Hanggang dumugo.
Hanggang mawala ng tuluyan.
Kailangang mawala ka...

Kulugo.

2 Comments:

Post a Comment

<< Home