TIKBALANG
Tao ang pang-ibabang bahagi ng katawan, kabayo naman ang pang-itaas. Ang mahiwagang nilalang na nagliligaw sa mga manlalakbay, at upang matagpuan ng manlalakbay ang tamang landas, kailangang baliktarin niya ang kanyang suot na damit.
Ang parehong engkantong bumisita sa aking pagliliwaliw sa mundo ng panaginip noong nakaraang gabi...

Naibalita sa tv na may kumakalat na grupo ng mga tikbalang sa Muñoz, at unti-unting tinatahank ang daan papuntang Proj. 7, kung saan kami nakatira ngayon. Matapos mapanood ang nakagigimbal na balita, dali-dali kong sinara ang lahat ng bintana at pinto ng aming bahay. Hindi ko alam kung saan nagpunta ang mga kuya at ate ko, kaya ako na lang ang umako ng responsibilidad nila para alagaan ang mga nakababata kong kapatid at mga pamangkin. Hindi ko sila pinalalapit sa bintana man o pinto (pero sadyang makukulit sila at sinusubukan pa talagang buksan ang mga bintana). Maya-maya, may kumatok. Isang babaeng nagpapakilalang Tita Rosaura raw namin siya. (Sa realidad, wala talaga akong matandaang Tita Rosaura, pero dahil panaginip yun, hindi naman kami tumanggi na tita nga namin siya.) Si Tita Rosaura ay bihasa sa mga bulaklak, at may nalalaman siyang pananggalang sa mga tikbalang na nagkalat sa lugar namin. Binigyan niya kami ng isang kuwintas ng bulaklak at sinabing oras na nadikit iyon sa tikbalang, mawawala ito ng parang bula. Isinabit ng nanay ko ang kuwintas sa may pinto at nakaramdam kami ng kaunting paggaan ng loob sa proteksyong tangan ni Tita Rosaura.
Nang biglang may sunud-sunod na malalakas na katok ang narinig namin. Isang lalaking humahangos ang humihingi ng tulong kay Tita Rosaura dahil sa pag-atake ng mga tikbalang sa lugar nila. Hindi naman tumanggi ang aming tiyahin, sumama siya agad, at kasama ng aking nanay pati na ang lalaki, pinuntahan agad nila ang lugar. Habang nandun ang nanay ko at tiyahin sa lugar na may mga tikbalang, nakatulog ako sa paghihintay. Sa panaginip ko, ang lalaking humingi ng tulong kay Tita Rosaura ay isa palang tikbalang na nagbabalat-kayong tao upang makuha ang aking tiyahin at gawing sakripisyo sa kanilang ritwal. Pinatay nila si Tita Rosaura at inialay sa isang altar, habang ang grupo ng mga tikbalang ay nagdiriwang sa espektakulong nagaganap. Ang nanay ko naman ay sapilitang ginawang tikbalang. Pagkagising ko sa aking panaginip, pinuntahan ko agad ang aking tatay upang sabihin ang tungkol dito, dahil nararamdaman kong hindi lang ito panaginip, ngunit isang pangitain. Tiningnan ako ng tatay ko na parang natanggalan ako ng isang turnilyo sa utak, pero hindi naman niya binale wala ang mga sinabi ko.
Dumating ang nanay ko kasama ang lalaki, ngunit wala na si Tita Rosaura. Hindi ko na inungkat kung nasaan si Tita, dahil alam na alam ko na kung ano ang nangyari sa kanya. Binantayan ko ang bawat kilos nila, at napansing kong may pagkabalisa ang mga galaw nila. Pilit kinukuha na nanay ko ang mga nakababata kong kapatid at pamangkin pero hindi ko pinayagan, bagkus, pinapunta sa tatay ko. Sa hindi ko nalalamang dahilan, may salo-salong nagaganap sa may sala, at nandon ang aking ilang kamag-anakan. Habang nasa sala kaming lahat, napatunayan ko na hindi na nga tao ang nanay ko at ang lalaki. Nakita ko na hugis-tikbalang ang kanilang mga anino. Madali kong sinabi sa aking tatay ang aking natuklasan at agad na naniwala. Habang nag-iisip ng plano ang aking ama, tinawag ko ang aking kapatid at pinahanap ang bulaklak na binigay ng aming tiyahin na sinasabing panlaban sa mga tikbalang. Tinuro ng aking kapatid ang bulaklak sa may sulok, nakita niya kasing sinubukang hawakan ng aming ina ang bulaklak pero mukha siyang napaso. Humangos akong pumunta sa sulok at hinati sa dalawa ang kuwintas. Pinuntahan ko ang lalaki at idinikit sa kanyang balat ang kalahati ng kuwintas: unti-unting nawala ang lalaki. Matapos nitong mawala, nilapitan ko ang aking nanay at idinampi ang natitirang kalahati ng kuwintas sa kanyang kamay. Sa pagkakataong iyon, napaiyak ako sa unti-unting pagkalaho ng aking nanay. Ngunit bago siya tuluyang maglaho...
Nilapitan niya ang aking ama at dinampi ang bulaklak at nasindak sa nangyari. Unti-unti ring nawala ang aking ama. Isa na rin pala siyang tikbalang. Ang taong pinagsasabihan ko ng tungkol sa pagbabagong naganap sa aking ina at kina Tita at ng lalaki, ay isa na rin palang tikbalang! Bago naglaho ang tatay ko, tinanong ko kung bakit siya naging tikbalang. Aniya, "Ako mismo ang lumapit sa mga tikbalang upang gawin nila akong katulad nila...dahil isa na ring tikbalang ang tunay kong minamahal." At ang taong tinutukoy ng tatay ko ay hindi ang nanay ko.
Bago pa man tuluyang maglaho ang tatay ko, nilapitan niya ang isa kong tiyahin, si Ateng Glo, at katulad ng ginawa ng nanay ko sa kanya, ay dinampi ang nasabing bulaklak sa kanyang mukha. Tulad ng nangyari sa ina't ama ko, at sa lalaki, dahan-dahan ding naglaho si Ateng Glong.
At naramdaman kong nag-iisa ako, sa gitna ng salo-salo sa amin, sa gitna ng mga halakhakan ng mga tiyahin at tiyuhin ko.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home