Sana dumating ang panahon...
- na hindi na lang iisang anino ang bumabagtas ng daan ko pauwi.
- na kahit walang kumot sa malamig na gabi, may katawang nakadampi sa katawan ko na siyang pagmumulan ng init.
- na hindi na lang iisang tao ang nakasukob sa payong ko.
- na hindi lang ako ang matutuyo sa paggamit ng payong ko.
- na may kasama akong hihiga sa sunken garden habang umuulan.
- na may kasalo ako sa pagkain sa umaga, tanghali, gabi, kahit hindi masarap ang kinakain.
- na may mukhang tatambad sa akin pagsapit ng umaga.
- na may isang taong hindi mahihiyang hawakan ang kamay ko saan man kami magtungo, sino man ang kaharap namin.
- na hindi mangangakong mamahalin ako panghabambuhay, bagkus pinipiling mahalin ako sa bawat araw na dadaan.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home