gotta have faith!

Tuesday, August 01, 2006

Will Miss You Guys


Baby Bien
  • A.K.A. Francis
  • Ang halos lagi kong kasabay sa bus pauwi (kung papunta siyang Ortigas Ilalim)
  • Mahilig sa musika tulad ko (Though mejo hindi siya tinatakwil ng musika, di gaya ko)
  • Halos laging quota (stats!stats!stats!)
  • Ang batang probinsiyano na tinuruan ko ng kamunduhan..este ng bagay-bagay tungkol sa Maynila (Kay gara-gara ng Maynila!)
  • Forever benta ang popcorn and kabaklaan jokes ko (ang babaw mo p're ;p)
  • "Matutuloy" raw kami kung hindi lang daw siya nagnight-shift (NOW what do mean by this baby?;p )
  • Chemical eng'g (matakot ka!)


Aira
  • Aira as Aira
  • Kasabay kong nagsusunbathing ng magbuhos ang Diyos ng kabaklaan at katarantaduhan sa mundo
  • Hindi ko lang kawave (11) kundi kawavelength pa (633nm), harharhar!
  • Ang batang kulang ng 10 araw, in short, ABNOY! (sabay palipit ng leeg)
  • Malaki ang hinaharap (literally and figuratively)
  • Ang Dakilang Manggagaya (Persin!Perpisis!Laykley!Recentley!Understeynding!Verooo-nica!)
  • One of the boys (at laging hinahabol ng boys)
  • Biochemistry ang calling ng lola mo


Kristen
  • Kristen as Kristen
  • Ang kasabay ko pauwi kapag magkikita sila ng bf niya sa Monumento (uiiiii~)
  • Ang babaeng natusok ang mata ng straw (tanga-tanga..hehehe)
  • Epitome of the word WORKAHOLIC (1 full time job and 1 part time, kamusta naman?!natutulog ka pa ba???)
  • Pumapasok ng may chikinini sa leeg, harharhar!


Mga walanghiya kayo, ganyanan na pala, iwanan na. Hmmf. Panight-night shift pa kasi eh. Lumalabas mga tunay niyong katauhan: takot kayo sa liwanag. Mga Aswang! Nagkakalat ng lagim sa gabi sa pamamagitan ng kanilang mga pamatay at malalamig na tinig, binibiktima ang mga walang muwang na business at household chuvanez sa kabilang panig ng daigdig! Harharhar...(Pindutin ang mga larawan para makita ang mga salarin)

Isa lang ang masasabi ko sa inyo: Mamimiss niyo ako. Pramis. Itusok niyo man sa chickenballs at squidballs ni Aling Tess sa tapat ng Jollibee.

1 Comments:

Post a Comment

<< Home