gotta have faith!

Thursday, August 03, 2006

Pers Taym


1. Kaninang papunta ako ng skul galing sa workie, sumakay ako ng MRT with my opismeyt Sarah. Dahil sa wala na kaming maupuan sa bandang unahan ng tren, inalok kami ni manong driver (as in driver ng MRT) na humawak sa upuan niya kasi wala na kaming estribo na mahawakan. Naexperience namin ang driver's view. Hangandaaaaa pala ng nasa unahan at nagadrive. Parang panaginip. Lahat ng bagay na bumubulaga sa akin dumadagdag sa kagandahan ng view. Ultimo kalawang ng riles, ang mga graba, mga daan na katabi, mga sasakyan, mga manong na naglilinis ng railings ng tren. Lahat-lahat. At sa pagkakataong iyon, nakaramdam ako ng kapayapaan ng loob sa gitna ng maingay at matuling pamumuhay ng lungsod...





2. Hindi ko alam na may sakayan ng UP pala pagkababang-pagkababa ko ng MRT sa Quezon Ave. Station. Basta puro damo yung daanan, tapos kailangang tumawid ng tulay papunta sa jeep mismo. May nakita kami ni Sarah Potpot na kakaiba at talagang nakagugulat. 'Kala nga namin nung una ay mga basahan ng mop, dagdag pa na kakulay nila ang MARUMING basahan ng mop. Nung nakita namin ng malapitan, mga lalaking kambing pala. Matapos naming magulat ni Sarah, sabay din kaming nandiri. Basta hindi sila nicey makita. Yung katawan kasi nila parang nababalutan ng maraming-maraming MARUMING dreadlocks. As in. May palagay nga ako na marahil pakiramdam ng mga kambing na yun eh tupa sila. NAGPAPANGGAP na tupa. ;) Pero para maiba, pinadreadlocks nila yung balahibo nila. Para mas astig. Pero ewwww parin. ;)

2 Comments:

Post a Comment

<< Home