gotta have faith!

Saturday, September 23, 2006

Una't Huli

Ang tagal ko nang hinahanap ang kantang 'to ng Color It Red, Ang Una't Huli. At salamat naman, nahanap na rin ng kaibigan ko yung album nila, Greatest Hits ng Color It Red. Salamat din sa blogggie ni Paeng, aktuali naresearch ko lang bloggie niya kasi may lyrics ng kantang to. Eto na pala ang kanta, ang kantang nagpapaalala sa akin ng nakaraan...








Nandito ako
parang tangang
napatunganga sa iyo.
Sana'y di mahalatang
tumutulin ang tibok ng puso
dahil sa isang halik mo -
ang una't huli,
hindi na mauulit pang muli.

Dampi ng labi mo
may init na
kumakalat sa ulo
dinuduyan ang paa,
lumulutang lutang
parang saranggolang putol
dahil sa halik mo -
ang una't huli.
hindi na mauulit pang muli.

Huwag mo sanang mapansin
na nag-aalab lamang para sa iyo

Nandito ako
isang gagang
di mapakali sa iyo
di makalapit
at kinukubli sa hangin
ang tibok at ngiti ng puso
ang una't huli,
hindi na mauulit pang muli.

Huwag mo sanang mapansin
na nag-aalab para sa iyo
na nag-aalab para sa iyo
O, ang una't huli,
hindi na mauulit pang muli.

Nandito ako
parang tangang
napatunganga sa iyo.
Sana'y di mahalatang
tumutulin ang tibok ng puso
dahil sa isang halik mo -
ang una't huli,
hindi na mauulit pang muli.

Huwag mo sanang mapansin
na nag-aalab para sa iyo
na nag-aalab para sa iyo.
O, ang una't huli,
hindi na mauulit pang muli.

Ito ang una't huli,
hindi na mauulit pang muli...

words and music by S. Salazar performed by Color It Red

0 Comments:

Post a Comment

<< Home