Para sa Lalaking may Isang Libo't Isang Tawa at Kwento
Hindi mo inda ang tingin at sabi ng iba
Hindi mo naman hinihiling ang kanilang pagsamba.
Sa bawat halakhak na pinadadala mo sa hangin,
Pansin ang paglabas ng iyong hindi na mapuputing ngipin.
Sa bawat istoryang iyong binubuhay,
Pansin ang kagalakan ng ibang taong naghihintay.
Subalit, sa lahat ng atensiyong iyong nakakalap,
May isang nagmamasid sa iyo--ngumingiti at nangangarap;
Sa susunod na umalingawngaw ang tawa mo sa hangin,
Sana ay dahil sa pagkatuwa sa akin.
At sa susunod na mamutawi ang kwento sa iyong bibig,
Sana ay pagbuhay sa ating pag-ibig.
Ngunit, alam ko namang hindi lamang magiging akin ang iyong tawa't istorya,
May ibang naghahangad na ito'y mapasakanila.
At kapag dumating na ang pagkakataong ito,
Babasahin ko ang tulang sumubok ikahon ang mga alaala mo.
Makikinig sa hanging nagdala ng halakhak mo.
Alalahanin ang mga istoryang binuhay mo.
At muli, ngingiti't mangangarap ako.
Na ako, ako na nga, ang laman ng iyong tawa't kwento.